Pagkataong Pilipino Bolyum 1: Layunin, Ugali, Katangian, at Pakikipagkapwa ni Virgilio G. Enriquez: Isang Kumprehensibong Balangkas

"Pagkataong Pilipino Bolyum 1: Layunin, Ugali, Katangian, at Pakikipagkapwa ni Virgilio G. Enriquez: Isang Kumprehensibong Balangkas." Learn about the Filipino identity and its aspects in this comprehensive framework by Virgilio G. Enriquez. © 2015.

Pagkataong Pilipino Bolyum 1: Layunin, Ugali, Katangian, at Pakikipagkapwa ni Virgilio G. Enriquez: Isang Kumprehensibong Balangkas

Bolyum 1: Layunin, Ugali, Katangian, at Pakikipagkapwa

Ni Virgilio G. Enriquez:

Isang Kumprehensibong Balangkas

Pagkataong Pilipino

Bolyum 1: Layunin, Ugali, Katangian, at Pakikipagkapwa

Ni Virgilio G. Enriquez:

Isang Kumprehensibong Balangkas

© 2015

Layunin

Abesamis, Zenaida P. “Ang Epekto ng Pagkabigo sa Pagkatao” (1975, pp. 1-17)

Sa pag-aaral ni Zenaida Abesamis (1975) na pinamagatang “Ang Epekto ng Pagkabigo sa Pagkatao,” kanyang dinugtungang ang pananaliksik na ginawa ni Vivian Alvaran (1974) na may pamagat naman na “Pagkabigo: Kaalaman at teorya.” Napag-alaman ni Abesamis na ang mga kabataang edad 16-22 kumpara sa mga edad 24-61 ay: (1) hindi mas masaklaw ang kabigatan ng kabiguan; (2) personal na pagbibigay-kasiyahan ang pinagmumulan ng kabiguan at hindi malimit sa pamilya o buhay-may-responsibilidad; at, (3) mas agresibo at mapananggol sa sarili at hindi mas mapagpigil sa sarili para sa matamang pag-iisip bago gumawa ng anumang bagay. Karagdagan pa, ang epekto ng pagkabigo ay depende sa gulang, motibo, talino, at kakayahan. 

Garcia, Hidalgo Ban. “Ang Pagtakas Bilang Tugon sa mga Suliranin ng Pag-iisa at Pakikipagkapwa-tao” (1975, pp. 18-38)

            Ayon kay Hidalgo Garcia (1975), karamihan sa mga ikinikilos ng kabataan sa mga sosyal na sitwasyon ay mga halimbawa ng pagtakas – maging sa pag-iisa o pakikipagkapwa man. Sa konteksto ng karanasan ng mga tao, lalo na ng mga kabataan, ang pag-iisa ay bunga ng mga suliranin gaya ng pisikal na depektong, sirang pamilya, kalibak-libak na posisyon o mababang estado sa lipunan. Sa pakikipagkapwa, ito ay hindi bunga ng mga suliranin kundi mga nakapaloob na mga suliranin. Halimbawa ng mga ito ay: reaksyon sa harap ng lihim na pag-irog, reaksyon ng pagiging imperyor sa harap nakatataas, pagmumukhang kawawa o tanga sa grupo, at pagiging konsyus sa harap ng lihim na kaaway. Kaya ang mga tao o kabataan ay may ikinikilos na kaiba para lamang ibagay ang sarili sa sitwasyon. Halibawa ng mga anyo ng pagkatakas ay: paninigarilyo, paglalasing, paglilibang, pakikipagkwentuhan, nobyohon o nobyahan, seks, at pagkain ng sobra.      

Guevarra, Marlene C. “Ang Antas ng Aspirasyon ng Indibidwal” (1975, pp. 39-51)

            Batay sa naging pag-aaral ni Marlene Guevarra (1975) tungkol sa antas ng inspirasyon ng tao, karaniwan sa isang indibidwal ang magtakda ng hangganan at abutin ito ayon sa akala niya na kanyang kapasidad. Ang lebel ng inspirasyon ng isang tao ay nakakaimpluwensya sa antas rin ng kanyang paggawa (yung ay, depende na rin sa pagtanggap nya sa sarili, pagkabigo, at pagtatagumpay). 

Ugali at Katangian

Bernardez, Evangeline A. “Ang Pagiging Maramdamin” (1975, pp. 52-63)

            Binigyang linaw sa pag-aaral ni Evangeline Bernardez (1975) ang konsepto at ilang kaugnay na mga konsepto tungkol sa pagiging maramdamin. Kanyang nabatid ang pagkakakilala, ngunit hindi ang mga inaakalang kadahilanan sa pagiging maramdamin.

Pe, Rogelia E. “Ang Kahulugan ng Pakipot [EA1] Ayon sa mga Taga-Lunsod” (1975, pp. 64- 76)

            Sa pakikipanayam na ginawa ni Rogelia Pe (1975), may-akda ng “Ang Kahulugan ng Pakipot Ayon sa mga Taga-Lunsod,” ang pakipot ay deribatibo ng salitang makipot at ang kadalasang dahilan ay hiya. Ganunpaman, ang pakipot ay taong gusto na ay ayaw pa bilang kaakibat na rin ng konsepto ng paayaw-ayaw, importansya, kaartehan, pagkukunwari, at iba pa.

Pagtanac, Rosario C. “Donselya: Salamin ng Pagkatao ng Kalalakihang Pilipino?” (1975, pp. 77-94)

            Ang pagiging donselya o birhen ng mapapangasawa ay pinapahalagahan ng mga kalalakihang Pilipino dahil ito ay kaugnay ng kalinangan sa lipunan, ayon sa pananaliksik na ginawa ni Rosario Pagtanac (1975). Dagdag pa rito, ang pagpapahalaga sa kadonselyahan, na isa sa mga pangunahing ideyal na bunga ng kalinangang Pilipino, ay nakaugnay sa antas ng pinag-aralan at amor propio ng Pilipino.

Carbonell, Edith M. “Pagtanaw ng Utang-na-Loob: Isang Kagandahang-asal ng Pilipinong May-pagkatao” (1975, pp. 95-105)

            Base kay Edith Carbonell sa kanyang artikulo na pinamagatang “Pagtanaw ng Utang-na-loob: Isang Kagandahang-asal ng Pilipinong May-pagkatao,” ang mga partisipant ay nagkasabing hindi na bago sa kanila ang konsepto. Alam din nila kung paano tumanaw ng utang-na-loob, gaya ng pagganti ng tulong sa taong tumulong sa kanila sa panahon ng pangangailangan.

Santillana, Susan B. “Ang Pagpapahalaga sa Sarili ng mga Pilipino” (1975, pp. 106-114)

            Ayon sa pag-aaral na ginawa ni Susan Santillana (1975), kanyang nasuri ang pagpapahalaga ng Pilipino sa kanyang sarili, saan at paano nakuha ang gayong katangian, at kaugnayan at nagagawa nito sa pagkataong Pilipino. Sa kanyang konklusyon, “[a]ng pagapahalaga sa sarili ay mahalagang bahagi ng pagkatao” (p. 113).

Alvarez, Joy B. “Hiya: Kahulugan, Manipestasyon, at Kadahilanan” (1975, pp. 115-126)

Beloy, Jenneth L. “Ang Panggagaya ng mga Pilipino sa Kapwa Pilipino” (1975, pp. 126-141)

            Para kay Jenneth Beloy, sa papel nya na “Ang Panggagaya ng mga Pilipino sa Kapwa Pilipino,” kanyang nailahad ang mga kaigihan at di-kanais-nais tungkol sa panggagaya. Rekomendasyon nya na kailangan pa ng dagdag na pananaliksik upang malaman pa ang sinasabing “likas na manggagaya ang mga Pilipino” (p. 140).

Cipriano, Bella Aurora C. “Ang Pananamit ng mga Koed sa Kamaynilaan at ang Epekto Nito sa Kanilang Pagkatao sa Paningin ng Publiko” (1975, pp. 142-157)

            Sa naging pananaliksik ni Bella Aurora Cipriano (1975), kanyang natuklasan na ang “bawat uri ng pananamit ng mga koed ay may katumbas na puna ang publiko” (p. 142).

Aldana, Marilou A. “Ano ang Katawa-tawa Para sa mga Pilipino?” (1975, pp. 158-169)

            Ang mga katawa-tawa sa mga Pilipino na kanilang nababasa sa mga kartoons sa mga komiks at pahayagan ay mga original na nilalaman ng mga ito tungkol sa paglalasing, pag-iinuman, pandaraya, pagsisinungaling, pag-aaway, katandaang dalaga, at dakdakerang asawang bababe.  

Yao, Josephine B. “Ang Konsepto ng Introbersyon-Ekstrobersyon at ang Pagkataong Pilipino” (1975, pp. 170-180)

Pakikipagkapwa

Lim, Adelaida M. “Mga Anyo at Motibasyon sa Pagkampi” (1975, 181-209)

            Ayon sa pananaliksik ni Adelaida Lim (1975), ang pagkampi ay may kaugnayan sa katwiran at kapakinabangan sa tao.

Barba, Marissa M. “Kailan Inaasahan ang Pakikisama: Isang Panimulang Ulat” (1975, pp. 210-224)

            Hinimay ni Marissa Barba (1975) sa kanyang papel na pinamagatang “Kailan Inaasahan ang Pakikisama…” ang mga katuturan, kahulugan, at kaugnay na mga ugali (hal., pakikipagkaibigan, pakikitungo, at pakikibagay) ng salitang pakikisama. Ang pakikisama ay nangangahulugan din na pagiging katanggap-tanggap at pananatili sa isang grupo. Liban sa pagkakaiba ng pagiging marunong makisama, hindi marunong makisama, at walang pakikisama, tinalakay din nya ang masamang naidudulot ng sobrang pakikisama.     

Calubid, Lourdes S. “Ang Tunay na Kaibigang Pilipino” (1975, pp. 225-243)

            Tinalakay ni Lourdes Calubid (1975) ang kaibhan ng tunay sa karaniwang kaibigan. Ang mga limang antas ng pagkakaibigan ayon sa pagkakakilala at pagkamalalapit ay ang mga sumusunod: may kakilala, kabatian, kakwentuhan, karaniwan lamang, at tunay na kaibigan. Ilan sa mga kolektibong katangian na mayron ang tunay na kaibigan ay ang mga sumusunod: pagmamahal, katapatan, pagtitiwala, pagkamaunawain, pagkamaalalahanin, pagkamapagbigay, at pagdamay.  

Biason, Lito F. “Ang Pilipino Bilang Kaibigan: Isang Ulat Tungkol sa Pakikipagkaibigan ng mga Pilipino” (1975, pp. 244-255)

            Iniulat ni Lito Biason (1975) sa kanyang artikulo ang tungkol sa Pilipino bilang kaibigan. Sa mga Pilipino, maging sa iba, ang tunay na pakikipagkaibigan ay sa pangkalahatan ay napakalimit lamang. Marami sa tao ay may pangamba na ipakita ang tunay nyang pagkatao dahil magmumukha syang mahina at hayag sa iba. Kaya nga ang pakikipagkaibigan ay ugnayan ng mga hubong personalidad na pinagtitibay ng pagtitiwala sa isa’t-isa.  

Adea, Marivere O. “Pagkilatis sa Pagkatao ng Kapwa: Isang Paglilinaw ng Konsepto” (1975, pp. 256-266)

            Binigyan kahulugan ni Marivere Adea (1975) sa kanyang papel na ang pagkilatis ay isang masusing pagmamasid sa tao tungkol sa kanyang pagpapahalaga, ugali, paniniwala at paninindigan. Ginagawa ng isang tao ang pagkilatis sa iba upang higit na makilala pa ito at matantya ang magiging epekto nito sa kanya. Sa kabilang banda, ang impresyon ay isang mababaw na pagkilala sa tao batay sa pagsasalita, panlabas na kaanyuan (hal., pananamit), at pinanggalingan rehyon.

Sanggunian

Enriquez, Virgilio G. Pagkataong Pilipino. Vols. I. Layunin, Ugali, Katangian, at Pakikipagkapwa. Quezon City: Unibersidad ng Pilipinas – Departamento ng Sikolohiya, 1975.

—. Pagkataong Pilipino. Vols. II. Damdamin, Hilig, at Pag-unlad ng Pagkatao. Quezon City: Unibersidad ng Pilipinas – Departamento ng Sikolohiya, 1975.

 [EA1]Not easy to get. Halimbawa, inaalam pa ng babaeng nililigawan kung sadyang napupusuan din nya ang nagliligaw sa kanya. Maari rin naman na gusto nya malaman ng higit pa ang ugali (hal., pagiging pasensyoso) ng lalaking nanliligaw sa kanya.

Share your love

Leave a Reply